Team MAGAHATHomeFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 Why Men Lie??

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
J4NG4RZ
Admin
Admin
avatar

Male Number of posts : 124
Age : 37
Location : Valencia City, Malaybalay City,CDO
Registration date : 2008-06-02

PostSubject: Why Men Lie??   Tue Nov 04, 2008 11:12 pm

Ang Alamat kung Bakit Sinungaling ang Mga Lalake


Ito nga ba ang alamat kung bakit nagsisinungaling ang mga lalaki...?

Karpintero itong si Pedro at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.

Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya,

"Tutulungan kita, Pedro"

Sabay lundag sa ilog.

Lumabas ito na me hawak na gold hammer,
"Ito ba ang martilyo mo?"...

"Hindi po."

Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,
"Ito ba?"

"Hindi po."

Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer,
"Ito ba?"

"Opo!"

Natuwa ang anghel.

"Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold and silver hammers!"

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Pedro sa ilog at kasama ang misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog. Iyak si Pedro.

Litaw si guardian angel.

"Tutulungan kita."

Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Diana Zubiri.
"Ito ba ang misis mo?"

Sagot si Pedro,
"Opo!"

Nagalit si anghel,

"Sinungaling ka. Akala ko pa naman eh mabait ka."

Nag-reason-out si Pedro,

"Sorry po, angel... kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo si Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo.

At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Diana at Katrina.

Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang ang sinagot ko nung una."


MORAL OF THE STORY:

Kaya lang naman nagsisinungalin ang mga lalaki eh for a good and noble reason.

_________________
Itís useless to argue with an idiot savant; he will bring you down to his level and beat you with experience.

JANGARz
Back to top Go down
View user profile http://magahat.realbb.net
 
Why Men Lie??
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MAGAHAT :: Others Non-Airsoft Related :: Joke Joke Joke-
Jump to: